Pasukin (by: Pauline Dianne Cedeño)
- Educademy

- Aug 3, 2019
- 1 min read
Sa pintong ito'y iyong matatagpuan
Mundong makikita ang ganda ng kinabukasan
Ngunit bago abutin ang kagawaran
Maraming asignaturang kailangang lagpasan
Numerong nakakahilo'y dapat solusyunan
Siyensyang magpapaliwag sa pinagmulan
Komunikasyon na susi sa pagkakakilanlan
Teknolohiyang patungo sa makabagong kapanahunan
Kapag iyong nadaanan
Hindi dapat ito'y talikuran
Hindi sapat ito upang pangarap ay takbuhan
Sa dulo ay matatagpuan ang kapalaran



Comments